SMB deployment

Ang Secret Sauce para sa Surface Marker Buoy (SMB) Deployment

ayon kay Jon Kieren:

Sabi nila, di lang isa ang paraan magbanat ng buto. Madalas ang simuno ng pinagiinitan o pinagtatawanan na debate, ang technical diving ay hindi sakop sa kasabihan na ito. Isa sa mga karaniwan na kakayahan na madalas pinaguusapan ay ang Surface Marker Buoy (SMB) deployment. Maraming pagkakaiba-iba sa pag gawa ng itong kakayahan pati na rin ang pag pili sa kagamitan, pero ang layunin ay parehas lamang: pag deploy ng SMB sa ascent line na hindi umaangat sa ibabaw ng masyadong mabilis.

Dahil sa karamihan ng SMB’s, lift bags, reels, finger spools, at iba pa, ang artikulo na ito ay magpopokus sa isang tiyak na aspeto ng pag deploy sa SMB: paraan sa pagpalaki ng SMB.

  • Regulator Second Stage: Ito ay karaniwang kasanayan at ipinapadali ang pag dagdag ng sapat na hangin sa SMB para makatayo ng matangkad sa tubig at mapansin agad. Gayunman, ito ay may mga ilan na sagabal; halimbawa, hindi magandang idea na sadyang i-free flow ang regulator sa technical dive, lalo na sa malamig na tubig, dahil ito ay pwedeng mag resulta sa pagwala ng hangin.
  • Primary Regulator Exhaust: Ang paraan na ito may mabilis at mahusay, hindi niya kinakailangan ang anumang espesyal na kagamitan at ay sikat pa. Gayunman, dapat tandaan na ito ay hindi perpekto. Mahirap sabihan kung ang hinga na palabas ay nakakapasok sa SMB, mahirap makakuha ng sapat na hangin patungo sa SMB sa mababaw na tubig na hindi nakakaepekto sa pagbago ng buoyancy, at nangangailangan sa diver na hawakan ang SMB malapit sa kanilang katawan habang nag dadagdag ng hangin (dumadaming panganib sa pag buhol-buhol).
  • BCD Power Inflator: Ubod na epektibo para sa rebreather divers na walang mga exhaust upang ma-inflate ang SMB, ang paraan na ito ay mabilis, hindi kailangan ang espesyal na kagamitan, at pinapadali ang pag dagdag ng hangin na hindi nakakaepekto sa pagbago ng buoyancy. Ang diver ay simpleng maglalagay ng exhaust ng kanilang BCD inflator sa ilalim ng SMB at ay magdedepress ng parehas na inflate at deflate na buttons ng sabay-sabay, upang pakawalan ang hangin deretso patungo sa SMB. Ang paraan na ito may mga maliliit na sagabal. Higit sa lahat ang SMB ay kailangan malapit sa katawan ng diver para ang power inflator ay umabot at kung ang diver ay hindi makadepress sa deflate button ng buo, ang hangin ay pwedeng mag inflate sa BCD ng diver, na magiging sanhi sa pagiging positively buoyant.
  • Oral inflation: Isa sa mga pinaka simpleng paraan sa deployment ng SMB ay ang pag gamit ng oral inflation valve. Hahawakan ng diver parehas ang SMB at ang spool sa isang kamay at tatanggalin ang kanilang primary regulator sa kanilang bibig gamit ng ibang kamay at hihipan sa oral inflation valve. Ito ay gumagana ng mabuti pag gumagamit ng mas maliit na SMB at finger spool, pero kung ikaw ay nag dedeploy galing sa lalim baka kailangan mo ng mas maraming linya na nasa iyong finger spool. Pangangailangan mo naman ang primary reel, na ay mahirap gamitin kasabay ng SMB gamit ng isang kamay. Hindi rin siya angkop para sa rebreather divers.
  • Air Nozzle Low Pressure Inflator Attachment: Sikat sa parehas na open circuit at rebreather divers, ang air nozzle ay ikinakabit sa low pressure inflator hose at kadalasan ay nakaayos sa deco o stage bottle. Ang nozzle ay ginagamit sa pag hangin sa SMB; ito ay maginhawa gamitin at pinapayagan niya ang SMB at reel na mahawak palayo sa katawan ng diver. Ang pangunahing sagabal ay kinakailangan niya ng espesyal na kagamitan na nakakadagdag sa mga panganib at failure point.

TDI SMB deploy

Kailan lamang ako na sa tech boat at nakakita ng kapwa diver na nahihirapan mag kit up sa boat dahil ang air nozzle sa kanyang deco bottle ay nag free flowing. Nag-aalala siya kung kailangan niya tanggalin, hindi niya alam kung pa ano niya madedeploy ang kanyang SMB ng wala ang air nozzle. Hindi mo dapat sinusubukan ang mga bagong paraan ng SMB deployment sa loob ng wreck na may agos sa lalim na 60m/200ft.

Ang listahan ay tumutuloy pa; ngungit sigurado ako na makikita niyo na marami ang mga baryasyon sa critical skill na ito. Lahat ng mga baryasyon ay may kanya kanyang kalakasan at kahinaan, at ang diver ay dapat pumili kung saan bagay o kumportable sila. Kahit anong paraan ang pipiliin mo, napaka importante ang makakuha ng proper training sa pamagitan ng qualified instructor at isanay ang sarili hanggang pinagkaugalian na.

Related Blog Articles

SDI Pro Open Water Kit
Kennedy-latest-dive
How much does scuba diving costs
0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

*